MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 367

Patimpalak sa Sanaysay

01 – 25 Agosto 2013

  • inaanyayahan ang lahat ng mga Pilipino na makilahok at sumali sa Patimpalak sa Sanaysay ng Pasuguan.
  • mangyaring basahin at sundin ang mga sumusunod na alituntunin:
  • Bukas ang patimpalak sa lahat ng gustong sumali, Pilipino man o banyaga;
  • Sumulat ng isang sanaysay sa wikang Filipino na hindi hihigit sa 500 salita at hindi naman bababa sa 300 salita tungkol sa tema ng pagdiriwang ngayong taon: “Wika Natin ang Daang Matuwid”.
  • I-type ang sanaysay sa papel na may sukat na A4. Kung hindi naman gagamit ng kompyuter ay maaari ding isulat kamay. Kinakailangan lamang na ito ay nababasa.
  • Dalhin ang sanaysay sa tanggapan ng Pasuguan, kay Gng. Joy Clemente o kaya naman ay ipadala sa email address na This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
  • Ang huling araw sa pagsumite ay sa ika-25 ng Agosto sa ganap na ika-5 ng hapon.
  • ang mga hurado para sa patimpalak na ito ay ang Ambassador at ang lahat ng opisyal ng Pasuguan.
  • Ang mga sumusunod na balangkas ay gagamitin sa patimpalak:
    • Pagsunod at Pagpapalawig sa Tema            ---   35%
    • Kalidad at Wastong Paggamit ng Wika         ---   25%
    • Pagkamalikhain                                         ---   20%
    • Pagiging Orihinal                                       ---   20%

                                                                                  ----------------

    100%

  • Tatlong (3) sanaysay ang pipiliing mananalo sa patimpalak na ito at ang mga mananalong ito ay pararangalan at makatatanggap ng premyo mula sa Pasuguan.